hi everyone.......bago lang po ako rito gaya siguro ng ilan sa inyo. kagaya rin po ninyo na naghahangad makatuklas ng mga bagong kaalaman sa ibang larangan, lalo na sa pagsasaka at paghahayupan. na maari kong magamit kung sakaling makauwi na ako riyan sa ating bayan ng di na ulit mangingibang bansa pa. may higit isang dekada na rin po akong nagtatrabaho rito sa qatar bilang isang x-ray tech. sa malaot madali kung loloobin pa ng Diyos eh nagbabalak na ring umuwi ng tuluyan para naman makapamuhay sa sariling bayan. baon at hangad na makapag umpisa ng kahit na maliit na pagkakakitaan sa aking pagpapahingalay bilang ofw. dahil aminin man at hindi eh sa edad ko po paguwi ko riyan sa atin eh malamang na wala ng tumanggap pa sa akin para mamamasukan sa dati kong propesyon. kaya napakaige ng inilunsad ng ating gobyerno na ito para sa ating mga pinoy na nagnanais na makatuklas o matuto sa paraang di gaya ng tradisyonal na gawi. napakalaking bagay na matuto sa paraang ganito na sarili mo ang panahon o hawak mo ang bawat oras ng pag-aaral sa bawat kursong nais mong alamin. di kagaya ng poral na pag-aaral na kailangan mong magbigay daan at ng lubos na panahon sa pag-aaral. bukod dito nais ko rin makasalamuha ng mga taong kagaya ko at may katulad na interes upang maging daan sa pagpapalitan ng kaalaman ayon man ito sa tinatawag na "actual experience" o dili kaya eh sa "theoritical experience" na tinatawag upang lalo ko pang mapawalig at maisagawa ang mga bagay na aking natutunan. maraming salamat po sa inyong lahat at lalung-lalo na sa mga taong naging daan sa pagkakaroon ng ganitong mainam na pamamaraan ng pagtuklas ng mga kaalamang makapgbibigay o dili kaya'y makakatulong upang maibsan ang pagdarahop na nararanasan nating mga pilipino.kasihan nawa tayo ng ating Diyos sa bawat hakbang na ating gagawin upang pagpapala ay ating kamting lahat. ulit maraming salamat po. |