Laki ako ng Manila, natapos ko naman ang elementary at high school at ilang kurso sa vocational na gaya ng aircon technician at electrician at basic computer technician at basic IT.
Sa kasalukuyan ay isa ako na nawalan ng trbaho bilang GRAB Driver na 4W, at gusto kong malaman ang ilang basic na pagtatanim na kahit sa paso lamang para sa ilang gulay at rekado na panghalo sa ulam, gaya ng luya, sibuyas, bawang at kamatis...
Pansamantala ay iyon muna, pero gusto ko ring matuto kung papaano ako makatulong sa mga kaibigan na naghihirap din dahil sa baksak na ekonomiya natin...
Wala akong personal na lupa na puedeng magtanim at mag-alaga ng ilang hayop na puedeng paramihin at ibenta, kaya hamon sa akin, pero puede naman siguro sa paso at maliliit na lalagyan na puedeng isabit...
Sa ngayon ay hindi ko kayang umupa ng bahay o kuarto man lamang, mabuti na lang ay mayroong mga ilang kaibigan na umaalalay para maka survive sa pang-araw araw na pagkain...
Paki usap na lang po na gusto kong matuto kahit sa pamamagitang ng e-learning na ilaalok ng ahensya ng gobyerno ng gaya ng DA...
Maraming salamat sa inyong pagtugon at pag-alalay para matuto sa pagtatanim at kung paano unti unting inigosyo ang mga pananim...